14 ARESTADO SA ILEGAL NA QUARRYING

RIZAL- ARESTADO ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang labing-apat na indibidwal dahil sa iligal na operasyon ng quarrying o paglabag sa Section 103 ng RA 7943 o mas kilala sa “Philippine Mining Act of 1995” sa Rodriguez sa lalawigang ito.

Kinilala ang mga naaresto na si Dadis E. Perselin; Randel C. Salac; Mark Benley R. Ramos; John Francis T Rellores; Ricardo F. Hernal; Prudencio L. Mira; Joel D. Agner; Edelberto T. Cillo; Joebert M. Villeza; Aldrin s. Mirasol; Leo E. Gallardo; Jay M. Agner; Peter G. Sordivillo at Dennis E. Luzara.

Nabatid na nagsagawa ng illegal quarrying activities ang Rodrock Aggregates Corp sa kabila ng Stoppage Order na inisyu ng Provincial Government ng Rizal sa lahat ng quarrying at mining activities sa buong probinsya.

Noong Marso 28, nagtungo ang NBI-Environmental Crimes Division (EnCD) , DENR-MGB Region IV-A sa target area na nagresulta sa pagkaaresto sa mga suspek at iniharap sa inquest proceeding sa tanggapan ng Provincial Prosecutor sa Taytay, Rizal.
PAUL ROLDAN