ARESTADO ang 14 hinihinalang sangkot sa ilegal na droga matapos mahuli sa akto ng mga pulis na sumisinghot ng shabu sa magkahiwalay na lugar sa Caloocan City kahapon ng madaling araw.
Ayon kay Caloocan Police Chief P/Col. Noel Flores, alas-4 ng madaling araw, nagsasagawa ng SACLEO ang mga tauhan ng PCP-4 nang isang concerned citizen ang lumapit at ini-report ang hinggil sa nagaganap umanong pot-session sa 1702 Gumamela St., Malaria, Brgy. 185.
Agad nirespondehan ng mga pulis ang naturang lugar at nakita ng mga ito sa nakabukas na pinto ng isang bahay na sumisinghot ng shabu si naJimmy Camba, 51, painter; Sharena Lalaguna, 40; Leonardo Brigildo, 33, mekaniko; at Rizalde Histosis, 37, security guard.
Narekober sa lugar ang isang nakabukas na plastic sachet na may bahid ng shabu at ilang drug paraphernalia.
Bandang alas-4 rin ng madaling araw, nagsasagawa ang mga tauhan ng Police Community Precinct (PCP)-5 ng foot patrol nang isang concerned citizen ang nag-report sa kanila hinggil sa umano’y nagaganap na pot session na naging dahilan upang agad tinungo ng mga pulis ang naturang lugar at naaktuhan ng mga ito ang sampung katao na sumisinghot ng shabu sa loob ng isang bahay sa Phase 6, Package 2, Purok 2, Brgy. 178.
Kinilala ang mga naaresto na sina Francisca Leyte, 43, therapist; Jessica Rose Mcbrearty, 30; Ann Mahilum, 37, hair stylist; Michelle Apetan, 25; Oliver Imperial; Joselito Bugho, 57, cellphone technician; Isagani Batolin, 40; Baltazar Ferrer, 24; Eric Cruz, 29; at Rommel Tayo, 31.
Nakumpiska ng pulisya sa lugar ang apat na nakabukas na plastic sachet na may bahid ng shabu at mga drug paraphernalia. VICK TANES
Comments are closed.