14 TIMBOG SA DROGA

Drugs

MAYNILA – UMABOT sa 14 na katao na sangkot umano sa paggamit at pagtutulak ng ilegal na droga ang naaresto ng pulisya sa magkahiwalay na lugar sa buong magdamag.

Dakong alas-11:00 ng gabi nang maaresto sa Juan Luna St., Tondo sina  Jenny Natividad;  Tachel Reyes;  Landren Natividad; Teresita Canlas; Mary Jane Balatbat; Bernardita Edejer; Landren Natividad; Milo Garza; Jomari Dela Cruz; at Joven Nakpil.

Una rito nagkasa ng buy bust operation ang mga tauhan ng Station  Drug Enforcement Unit ng Manila Police District (MPD) – Station 7 sa lu-gar kung saan naaresto ang mga suspek na noo’y magkakasama.

Samantala, alas-12:00 naman ng madaling araw nang ­maaresto rin ang limang iba pa sa kahabaan ng Kapitam Tikong St., Malate, Manila da-kong alas-12:00 ng madaling araw sa Doris Escada;  Salvador Cruz; Cherry  Sabale; Danilo Cumpa at Payrick De Leon ­kapwa nakatira sa Malate, Manila.

Nagsasagawa naman ng anti-criminality operation ang mga tauhan ng MPD-PS 9 nang matiyempuhan ang mga suspek at nakuhanan ng ilang sachet ng hinihinalang shabu nang sila ay kapkapan.

Inihahanda na ang kasong may kaugnayan sa droga na isasampa laban sa mga suspek. PAUL ROLDAN

Comments are closed.