PRINGLE PAHINGA MUNA

on the spot- pilipino mirror

NGAYON lang nangyari na 4-0 ang simula ng kampo ng NLEX Road Warriors.

Pinalakas talaga ni coach Yeng Guiao ang kanyang mga lineup . Okay naman ang resulta dahil hanggang ngayon ay walang pang nalalasap na talo ang team.

vvv

Gusto mang paglaruin ni coach Tim Cone si Stanley Pringle para tumulong sa team ay mas pinili niya na pagpahingahin  na lang muna ang Fil-Am player para hindi na lumala ang kanyang knee injury.

Sa unang check up nito, ang resulta ay ACL. Subalit sa 2nd opinion ay hindi naman daw.

Puwede pa siyang makapaglaro. Ngunit kaysa lumala ang injury ni Pringle ay ‘di muna siya maglalaro  Get well, Stanley.

vvv

Nakakadalawang panalo na ang team ni coach  Jocas Castillo, ang Makati Blazers,  sa MPBL Mukhang may laban ang koponan nila ngayon bagaman bago pa lang siya bilang head coach ng team at ilang linggo pa lamang silang nagkakasama ng mga player niya. Kahit medyo nangangapa pa sila sa isa’t isa ay naging maganda ang samahan ng mga player, management, at coaching staff. Sana nga ay magtuloy-tuloy ang pagpapanalo ng Makati Blazers para sa susunod na taon ay manatili pa rin si  coach Castillo sa koponan.  Saka para dito na lang siya sa Pinas mag-work kasama ang kanyang pamilya.

Medyo apektado kasi ang Vietnam kaya bumalik sa bansa si Castillo. At blessing  naman ay inoperan siya ni head team operation manager Gerlad Javier para maging head coach ng naturang koponan. Congrats.

vvv

Nakikiramay tayo sa pamilya ni coach Ato Badolato. Matagal na rin kasing may sakit si coach at inatake ito sa puso ilang buwan na ang nakararaan. Mula noon ay ‘di na bumalik ang kalakasan ng pangangarawan ni coach. Ato.