CAMP CRAME – INALERTO ni Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Oscar Albayalde ang lahat ng yunit ng organisasyon na i-monitor at iulat kung may mga pulis na tinamaan na rin ng dengue gayundin ang kanilang mga pamilya.
Ang kautusan ay ginawa ni Albayalde kasunod ng deklarasyon ng Department of Health (DOH) na ‘national dengue epidemic’.
Layunin ni Albayalde na suportahan ang hakbang ng pamahalaan na pigilan ang paglobo ng dengue cases sa bansa.
Ayon kay PNP Spokesperson, PBGen Bernard Banac, na nagbigay na rin ng direktiba si Albayalde sa PNP Health Service sa ilalim ni PBGen. John Luglug at sa lahat ng Regional Directors na paigtingin ang dengue cases monitoring sa buong bansa.
“The PNP chief also urged other PNP personnel to render their time everyday in helping the community to cleaning their surroundings to prevent dengue and even in police camps and offices such as “4 ‘o clock fumigation habit,” ayon pa kay Banac.
Samantala, as of August 7, wala namang PNP personnel na na-diagnose na tinamaan ng dengue.
“We, all PNP personnel and dependents are encouraged to go to Regional Health Service units for consultation,” dagdag pa ng PNP spokesman.
Inihahanda na rin aniya ng PNP hospitals ang mga hakbang upang pigilan at labanan ang paglaki ng kaso ng dengue at mayroon na ring koordinasyon sa local health units.
Sa record ng DOH, mayroon nang 146,062 dengue cases sa buong bansa simula Enero 1 hanggang Hulyo 20, 2019 na 98 percent mataas kumpara sa kaparehong panahon noong 2018. EUNICE C.
Comments are closed.