1,491 BAGONG KASO NG COVID-19

patient

NADAGDAGAN ng 1,491 ang kaso ng coronavirus disease o COVID-19 sa Filipinas.

Sa huling datos ng Department of Health (DOH) araw ng Sabado (Disyembre 19), umabot na sa 458,044 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.

Sa nasabing bilang, 28,047 o 6.1 porsiyento ang aktibong kaso.

83.4 porsiyento sa active COVID-19 cases ang mild; 8.8 porsiyento ang asymptomatic; 0.30 porsiyento ang moderate; 2.5 porsiyento ang severe habang 4.9 porsiyento ang nasa kritikal na kondisyon.

Iniulat na 36 ang  nasawi kaya umakyat na sa 8,911 o 1.95 porsiyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.

Nasa 436 naman ang gumaling pa sa COVID-19.

Dahil dito, umakyat na sa 421,086 o 91.9 porsiyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Filipinas.

Comments are closed.