15 AIRPORTS HINAGUPIT NI AMBO

BAGYONG AMBO

LIMANG  airport sa Bicol Region, ang napaulat na nasira dala ng malakas na hagupit ng bagyong Ambo, ayon sa report na nakarating Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP).

Kabilang sa mga airport ay  nasa Legaspi, Bulan, Bacon, Naga, Virac at Masbate.

Ayon sa report ng PAGASA, nagsimula ang paghagupit ni ‘Ambo’ bandang alas- 8:00 kahapon ng umaga kung saan nakaranas ang mga lugar na ito ng walang humpay na malakas na ulan at hangin  na ikinasira ng ilang parte ng gusali ng limang airport sa Kabikulan.

Kabilang din sa nakaranas ng bagsik ni ‘Ambo’ ang sampung airport ng Eastern Visayas na kinabibilangan ng Biliran, Borongan, Calbayog, Catarman, Catbalogan, Tacloban, Guiuan, Hilongos, Maasin at Ormoc.

Agad na ipinag-utos ng CAAP sa mga airport manager na magasagawa ng inspection at surveillance sa kanilang area of responsibility para malaman ang kabuuang  mga nasira sa mga gusali ng airport.