15 ENTRIES NANGUNGUNA SA WORLD SLASHER CUP 2

MAS hihigpit ang labanan ngayong araw sa pagsisimula ng se­mifinal round ng 2018 World Slasher Cup Invitational 9-cock Derby 2 sa Smart Araneta Coliseum.

Labinlimang kalahok na may hawak na 2-0 (win-loss) record ang pasok sa semifinals ngayong araw.

Ang anim na araw na derby ay suportado ng Thunderbird, Petron, Excellence Poultry and Livestock Specialists at  media partners tulad ng PitGame Media Inc. ni Manny Berbano, The Journal Group, PILIPINO Mirror, Balita at Tempo.

Sina defending champion Frank Berin; sabong idol Patrick Antonio, solo champion ng 2018 World Slasher Cup 1; Gov. Claude Bautista; at three-time World Slasher Cup champion Rey Briones ay may tig-dadalawang entries na walang talo.

May tig-dadalawang panalo rin sina Roger Nook ng Vietnam at ang kanyang partner na sina Brian Tan at Nino Yee, Julia Nicole, Celso Salazar/Dems Villaverde, Jun Tejada/Lawrence Lu, Bachok Cardenas, Hermie Capuchino at Fred Cruz.

Pasok din sina Biboy Enriquez, Rikki Reyes, Carlos Camacho ng Guam, Jorge Goitia ng California, Gov. Kulit Alcala, Jojo Gatlabayan, Dicky Lim, Escolin Brothers, Carding Dapat, Patrick Puno, Mayor Jon Feliciano, Jimmy Junsay, Emil Tiu, Jojo Alcovendaz, Art de Castro, Borgy Zoleta, Edwin Tose, James Uy, Allan Cantal, Chef JR, Felix Gatchalian, at Ricky Magtuto.

Ang World Slasher Cup 2, kung saan punong-abala ang Pintakasi of Champions, ay magkakaroon pa ng isang semifinal bukas, Miyerkoles.

Ang lahat ng finalists ay magpapahinga muna sa Mayo 10 bago sumabak muli sa Mayo 11 para sa finals (4-cock finals para sa may tig 2, 2.5, 3, at 3.5 points) at May 12 (4-cock finals para sa may tig 4, 4.5, at 5 points). NEIL A. ALCOBER

Comments are closed.