HINDI na pinayagang makapasok ng bansa ang 15 foreign national na may mga asawang Filipina nang dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Ayon kay Bureau of Immigration NAIA Ports Operation Division chief Grifton Medina, mula noong Agosto 19, ang mga pasahero na kinabibilangan American national, European, South Koreans, at African ay nagpakita lamang ng mga marriage certificate at bigong kumuha ng visa bago pumunta ng Filipinas.
Ang mga dayuhan ay pinayuhan na kumuha ng visa sa Philippine Consulate sa abroad upang payagan silang makabalik sa Filipinas at makasama ang kanilang pamilya dito sa bansa.
Sinabi ni Medina, sa kabila ng mga advisory inilabas ng BI sa website at social media account marami pa ring nagkakamali o naguguluhan tungkol sa mga pagbabago sa mga paghihigpit sa paglalakbay na ipinatutupad ng Inter-Agency Task Force on emerging Infectious Disease (IATF -EID).
Binigyan diin nito, na hindi sapat ang marriage certificate na ipakita ng mga foreign national na nakapangasawa ng Pinay para makapasok dito sa Filipinas.
Pinayuhan din ang mga airline ompany na sumunod sa resolusyon ng IATF dahil responsibilidad din nilang ipaalam sa kanilang mga dayuhang pasahero tungkol sa mga kinakailangan visa bago sila payagan mag-book at sumakay sa kanilang mga flight patungo ng Filipinas. LIZA SORIANO
Comments are closed.