15 PANG GAMOT EXEMPTED SA VAT

MAY 15 pang gamot para sa cancer, high cholesterol, hypertension, at mental illnesses ang exempted sa value-added tax (VAT), ayon sa Bureau of Internal Revenue (BIR).

Inilabas ni Internal Revenue Commissioner Romeo Lumagui Jr. noong August 27, 2024 ang Revenue Memorandum Circular No. 93-2024 na nag-e-exempt sa naturang mga gamot sa VAT.

Ayon sa BIR, ang cancer medicines Avelumab, Acalabrutinib, Olaparib, at Trastuzumab ay VAT-exempt na ngayon.
Para sa mga may mataas na cholesterol, hindi na papatawan ng VAT ang Rosuvastatin.

Libre na rin sa VAT ang Olmesartan medoxomil, Perindopril, at Indapamide + Amlodipine na para sa hypertensive.

Samantala, para sa mga may mental illnesses, ang Sodium Valporate at Valproic Acid ay exempted na rin sa VAT.

“The BIR has exempted from VAT an additional 15 medicines for cancer, high cholesterol, hypertension, and mental illness,” sabi ni Lumagui.

“The BIR is now a service-oriented agency, this includes the regular update of medicines that will fall under VAT-Exempt products. The BIR supports the government’s thrust in helping the public have access to more affordable healthcare and medicine,” dagdag ng BIR chief.

Noong Enero ay 21 gamot ang in-exempt ng BIR sa VAT, at 20 pa noong Marso.

“This is an update to the list of VAT-exempt drugs and medicines under Section 109(AA) of the National Internal Revenue Code of 1997, as amended the TRAIN Law and CREATE Act,” dagdag pa ni Lumagui.