150 TONELADA NG TILAPIA PATAY SA ‘FISH KILL’ SA TAAL LAKE

tilapia

TINATAYANG nasa 150 tonelada ng tilapia ang namatay matapos tamaan ng fish kill sa Taal Lake sa Batangas.

Apektado ng fishkill ang Barangay Gulod at Buso-buso sa Laurel, Batangas.

Ayon sa Department of Environment and Natural Resources (DENR), parehong natural at man-made ang dahilan ng pagkamatay ng mga isda sa fish cages sa paligid ng Taal.

Ayon kay Batangas Enviroment Officer El­mer Bascos, madalas na nangyayari ito tuwing buwan ng Mayo kung saan bumabagsak ang oxygen level sa tubig dahil sa papalit-palit na panahon.

Malaking bahagi rin aniya ang overstocking at overfeeding sa mga isda kaya nangamatay ang mga ito. DWIZ882