UMARANGKADA na ang mass testing para sa coronavirus disease (COVID-19) sa Quezon City.
Bago ang COVID-19 mass testing, inilatag ng health authorities sa lungsod ang requirement bago sumailalim sa naturang health activities.
Paglilinaw naman ni Project Director Joseph Juico na hindi pinapayagan ang walk-in at kinailangang lumapit sa kanilang barangay health officials para sumailalim sa unang pagsusuri o screening.
Aniya, kung symptomatic o may mga sintomas na may sakit gaya ng pagkakaroon ng lagnat at pangangati ng lalamunan ay ire-refer na ito ng barangay health workers para sa mass testing.
Kasama rito ang pagpapa-Xray, CVC at iba saka isasama sa mass testing.
Tatlo hanggang apat na araw ang resulta ng test at kung symptomatic ay pinayuhan na manatili sa quarantine sa aprubadong pasilidad habang hinihintay ang resulta.
Isinagawa ang mass testing sa Quezon City Experince Museum sa loob ng Quezon Memorial Circle.
Target ng lungsod na makapag-test ng 150 katao kada araw o 1,000 kada linggo. EVELYN GARCIA
Comments are closed.