1,500 DAYUHAN ‘DI PINAPASOK SA PINAS

UMAABOT sa 1,500 undesirable mga dayuhan ang hindi pinayagang makapasok sa bansa ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) mula  buwan ng Enero hanggang Abril 2018, mas mababa kumpara noong  2017 na umabot sa 1,700.

Ayon kay Bureau of Immigration (BI) Commissioner Jaime Morente, ito ay resulta sa walang humpay na kampanya ng kanyang mga tauhan laban sa undesirable alien sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) at iba pang port of entry sa bansa.

Sinabi nito na karamihan sa excluded aliens o hindi pinapasok sa Pilipinas ay napatunayan ng kanyang mga tauhan sa NAIA  na hindi karapat-dapat na manirahan sa bansa dahil sa kahina-hinalang personalidad at hindi mapagkakatiwalaan, o aniya’y  most likely become public charge.

Ang sinasabing public charge sa immigration parlance ay maaa­ring ang mga nasabing dayuhan ay umasa sa pamahalaan sa kanilang  pangangailangan sapagkat wala silang kakayahang masustentuhan ang kanilang sarili habang naninirahan sa bansa, o magiging pasanin sila ng gobyerno.

Isa pang dahilan na hindi pinapayagan ang ilang dayuhan na makapasok sa bansa ay ang ginagawang pagsisiyasat o assessment ng mga immigration officer sa mga foreigner, sapagkat ayon sa kanila maaaring ma­ging banta lamang ito sa seguridad ng bansa lalo na sa public health and safety.

Bukod dito ay walang entry visa ang mga dayuhan  at  walang outbound tickets na isa ring requirement sa mga dayuhan bago payagan pansamantalang manirahan sa bansa.

Ayon sa talaan ng BI, mga  Chinese national ang nangunguna sa listahan sa mga excluded alien na umabot sa 583, sumunod ang 123 Indians, 103 Koreans, 72 Americans, at 36 Nigerians. F MORALLOS

 

Comments are closed.