CAVITE – UMAABOT sa 85 violators sa General Community Quarantine at 16 naman sa illegal cockfighting ang nasakote ng mga operatiba ng pulisya sa anti- criminality campaign kahapon ng madaling araw.
Base sa police report, isinagawa ang 15 operasyon laban sa illegal cockfighting kung saan nasakote ang 16 sabungero habang nasamsam naman ang 11 panabong na manok, mga tare at P5,450 bet money
Samantala, aabot sa 85 violators ng GCQ kabilang ang 63-katao na lumabag sa curfew hours, 12 naman sa paglabag sa physical distancing at 10 katao na naaktuhang walang face mask.
Ayon pa sa police report, anim na suspek ang nasakote sa kasong alarm and scandal, grave threat and direct assault; stabbing Incident transpired at Brgy. Caridad, Cavite City; direct assault, PD 1829 (obstruction of justice) and Art 177 of RPC (usurpation of authority) at direct assault, alarm at scandal, disobedience in a person in authority at violation of GCQ rules and regulation of RA 1132 (curfew). MHAR BASCO
Comments are closed.