163 FILIPINO LIGTAS SA NAGKAABERYANG BARKO

DFA-INDONESIA

NORWAY – PINAWI ng Department of Fo­reign Affairs (DFA) ang pangamba ng mga kaanak na lulan ng cruise liner na Viking Sky na na-istranded sa karagatang sakop ng Oslo.

Ayon sa DFA, ligtas ang 163 Filipino at sinabing ang mga ito pa ang tumulong para maisalba ang ibang pasahero ng cruise liner.

Nasa 1,373 passengers at crew ang lulan ng Viking Sky na nagkaaberya sa karagatang sakop ng Oslo, Norway.

Ang nasabing cruise ship ay na-istranded at dahil sa matinding alon ay nagkaaberya ang makina. GELO BAINO

Comments are closed.