INIULAT ng Department of Health (DOH) na pumalo na sa 307,288 ang kabuuang bilang ng coronavirus disease 19 (COVID-19) cases na naitala sa bansa.
Batay sa case bulletin na inisyu ng DOH, nakapagtala pa sila ng 3,073 bagong kaso ng COVID-19 hanggang 4PM kahapon.
Pinakamarami sa bagong kaso ay mula pa rin sa National Capital Region na umabot sa 1 158 new cases, sinundan ng Cavite na may 225 new cases, Laguna na may 203 new cases, Rizal na may 173 new cases at Batangas na may 169 new cases.
May 163 namang bagong gumaling mula sa virus kaya’t sa kabuuan ay nasa 252,665 na ang bilang ng mga nakarekober mula sa COVID-19 sa bansa.
Mayroon namang 37 namang naitala ang DOH na bagong nasawi dahil sa virus.Sa bilang na ito 26 ay nasawi ngayong Setyembre, 5 noong Agosto, 4 noong Hulyo, 1 noong Mayo, at 1 noong Abril.
Sa ngayon, pumalo na sa 5 381 kabuuang bilang ng mga nasawi dahil sa COVID- 19.
May 11 namang inalis ang DOH mula sa kabuuang bilang ng kaso ng impeksiyon na kanilang naireport. Kasunod parin ito ng kanilang nagpapatuloy na validation at paglilinis sa kanilang listahan. ANA ROSARIO HERNANDEZ
Comments are closed.