MALABON CITY – TINAPOS ng isang 17-anyos na binatilyo ang sariling buhay sa pamamagitan ng pagtalon sa isang residential na gusali matapos ang pagtatalo nila ng kanyang live-in partner sa lungsod na ito.
Si Albert Luis Cruz, dating water delivery boy at residente ng 14 Brgy. Potrero, ay hindi na umabot ng buhay sa Valenzuela Medical Center matapos isugod ng emergency response team matapos tumalon mula sa 3rd floor ng inuupahan niyang kuwarto.
Sa imbestigasyon nina Malabon police homicide investigators P/SSgt. Mardelio Osting at P/Cpl Joenel Claro, bago ang insidente ay nagkaroon ng pagtatalo ang biktima at kanyang live-in partner dahil sa kawalan nito ng trabaho.
Alas-4:40 ng madaling araw nang may makapansin sa biktima na umiinom ng alak sa loob ng inuupahan nitong kuwarto.
Dakong alas-5:30 ng umaga, isang malakas na kalabog ang narinig ng mga residente sa gusali at nang tignan sa labas ay laking gulat nila nang makita ang nakahandusay na katawan ng biktima sa harap ng gusali na naging dahilan upang agad humingi ng tulong sa Malabon Emergency Response Team. EVELYN GARCIA
Comments are closed.