CAVITE – LABINGPITONG Malaysian ang naisalba ng pinagsanib na puwersa ng Philippine National Police (PNP) at Royal Malaysian Police sa Kawit sa lalawigang ito.
Sa ulat ng Kawit Municipal Police Station, ang operasyon ay isinagawa nitong Biyernes ng gabi sa pangunguna ng Regional Intelligence Division 4A sa tulong ng Provincial Intelligence Unit, Cavite Police Provincial Office.
Katuwang din ng nasabing PNP unit ang Directorate for Intelligence.
Una nang nagpasaklolo ang mga Malaysian worker sa awtoridad hinggil sa kawawa nilang sitwasyon bilang worker at nais ng mag-resign.
Sinabi naman ni PNP Chief Gen. Benjamin Acorda, Jr. na ang pagtugon nila sa nangangailangan ay bahagi ng kanilang tungkulin at pagpapatibay na sumusunod sila sa pagrespeto sa karapatang pantao kahit ano pa ang nationality basta nasa tamang proseso at habang nasa jurisdiction ng Pilipinas.
“The Philippine National Police remains steadfast in our duty to uphold the rule of law and protect the rights of every individual within our jurisdiction, including foreign nationals,” PGen Acorda said. “We will continue to work closely with our foreign counterparts to ensure the safety and well-being of everyone within our borders,” ayon kay Acorda.
Ang mga nasagip na dayuhan ay itinurnover na kay Supt. Norazman Hassan Basari, Police Attache of the Malaysian Police kahapon ng ala-6:30 ng umaga.
Ikinagalak naman ng PNP ang matagumpay na pagsagip sa Malaysian.
“The PNP’s successful joint operation with the Royal Malaysian Police is a testament to the importance of cross-border cooperation in addressing issues related to human rights and the protection of vulnerable individuals,” pahayag ng PNP. EUNICE CELARIO