PUMAPALO na sa halos 17 milyon ang nakapag-enroll na mula kindergarten hanggang grade 12 para sa school year 2020-2021.
Ayon sa Department of Education (DepEd) hanggang Hulyo 1 ay mahigit 16 na milyon ang nag-enroll sa public schools at mahigit 700,000 naman sa private schools.
Kabilang sa mga nagpa-enroll ang mga sasailalim sa alternative learning system at non-graded learners with disabilities.
Batay sa datos ng DepEd, mahigit 8 milyon ang nagpa-enroll sa elementarya, mahigit 5 milyon sa junior high school, ha-los 2 milyon sa senior high school at mahigit 1 milyon sa kindergarten.
Una nang pinalawig ng DepEd na hanggang Hulyo 15 ang enrollment. DWIZ882
Comments are closed.