CAMP CRAME – LABING PITONG pulis mula sa 36 na naabsuwelto ang makababalik sa serbisyo.
Ito ang paglilinaw ng Philippine National Police (PNP) makaraan ang guilty verdict sa mga Ampatuan noong Huwebes.
Sa datos ng PNP, nasa 62 pulis ang akusado at 19 dito ang convicted habang 36 ang acquitted.
Subalit sinabi ni PNP spokesperson Brig. Gen. Bernard Banac na 17 lamang dito ang maaring ma-reinstate to full duty status.
Paliwanag ni Banac, ang status ng 17 pulis ay leave of absence without pay due to detention, ibig sabihin no work no pay ang mga ito.
Kaya hindi sila applicable na mabigyan ng mga back wages.
Dagdag pa ni Banac, hindi na kailangan pa na mag-apply for reinstatement ang 17 pulis dahil ang PNP mismo ang mag-reinstate sa kanila sa full duty status kung sakali.
Bago pa sila ibalik sa regular duties isasailalim muna sila transformation and retraining, medical check up, nuero-psychiatric exam at iba pang proseso.
Habang ang 19 na mga pulis na aquitted ay kailangang umapela pa sa National Police Commission para sa kanilang reinstatement dahil sinibak na sila sa serbisyo dulot ng administrative case na kanilang kinaharap. EUNICE C.
Comments are closed.