MAYNILA – KALABOSO ang bagsak ng aabot sa 17 katao na umano’y sangkot sa pagbebenta at paggamit ng ilegal na droga sa magka-kahiwalay na drug buy bust at follow-up operation ng Manila Police District (MPD).
Base sa ulat ng MPD Station 10, isinagawa ang mga operasyon sa Maligaya St., Kahilum II, Pandacan; Pedro Gil, cor. Quirino, Paco; Mabini St., Ermita; at Arlegui corner Globo de Oro, Quiapo, Manila dakong alas-9 ng gabi noong Martes.
Nakilala ang mga naaresto na sina Laurence Pacultad, 30; Orlando Bautista, 39; Cristia Balao, nasa hustong gulang; Melissa Baga, 43; Raquel De La Rosa, 48; Erickson Aquino, 29; Edward Tolentino, 21; Aljun Lopez, 21; Love Torres, 32 ; kapuwa mga taga Pandacan, Manila; Roberto Aniag, 40; Richard Mitanda, 31; Jenalyn Osi, 29; Wilson Del Rosario; kapwa nakatira naman sa Paco, Manila; alyas Aron at sina Basit Gubaton, 49; alyas Cindy, 17, at alyas Anwar; kapwa taga-Palanca St., San Miguel, Manila.
Sa ulat ng MPD-PS 10, nagsagawa ng anti-illegal drug operation ang station drug enforcement team sa pangunguna ni P/Cpt Pidencio Saballo kung saan unang naaresto ang mga suspek na sina Bautista, Balao, Baga, De La Rosa, Aquino at Tolentino.
Nakakuha naman ng impormasyon ang pulisya sa mga suspek na may mga kasamahan pa sila sa isang hotel sa Mabini St., sa Malate, Manila kaya agad na ikinasa ang buy bust operation na nagresulta ng pagkakaaresto nina Fernandez at Villanueva at nakuhanan din ng 85 gramo ng shabu.
Naaresto naman sa follow-up operation ang magkamag-anak na Gubaton at Umpara sa kahabaan ng Arlegui St., corner Globo de Oro, Quiapo, Manila.
Narekober naman sa tatlo ang 200 gramo ng shabu habang ang iba pa ay naaresto sa hiwalay na drug bust operation sa Maynila.
Nagkakahalaga ng mahigit kumulang na P2 milyon ang nakumpiskang shabu gamit ang buy bust money na P4,800. Nakuha rin sa mga suspek ang timbangan, transparent plastic sachet at gunting.
Kasong paglabag sa Secs 5, 11 and Sec. 26 in Relation to Sec. 5 of RA 9165 ang inihain sa mga suspek. PAUL ROLDAN
Comments are closed.