17K PANG PASYENTE GUMALING SA COVID-19

Covid19-Patient

NAKAPAGTALA pa ang Department of Health (DOH) ng mahigit sa 17,000 pasyente na gumaling na sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Batay sa case bulletin No. 211, na inisyu ng DOH, dahil sa nadagdag na bagong bilang ng recoveries, umaabot na ngayon sa 293,075 ang total COVID-19 recoveries sa Filipinas.

Samantala, hanggang 4PM ng Oktubre 11 ay nakapagtala pa ang DOH ng 2,502 newly-confirmed cases ng virus, sanhi upang umakyat na ngayon ang total COVID-19 cases sa 339,341.

“As of 4PM today, October 11, 2020, the Department of Health reports the total number of COVID-19 cases at 339,341, after 2,502 newly-confirmed cases were added to the list of COVID-19 patients,” anang DOH. “DOH likewise announces 17,057 recoveries. This brings the total number of recoveries to 293,075.”

“Note: Of the 2,502 reported cases today, 2,106 (84%) occurred within the recent 14 days (September 28 – October 11, 2020). The top regions with cases in the recent two weeks were NCR (650 or 31%), Region 4A (492 or 23%) and Region 3 (203 or 10%),” anang DOH.

Sa naturang bagong bilang, 39,945 pa ang itinuturing na aktibong kaso; at 83% ng mga ito ay mild cases, 11.2% ang asymptomatic; 1.8% ang severe cases at 3.9% naman ang kritikal.

Pinakamarami pa ring naitalang kaso sa National Capital Region (NCR), na pumalo sa 782; Rizal na may 141; Laguna na may 128; Cavite na may 125 at Bulacan na may 119.

Samantala, mayroon 83 pasyente na binawian ng buhay sa virus sanhi upang umakyat na ngayon sa 6,321 ang total COVID-19 deaths sa bansa.

Sa naturang bilang ng mga namatay, 24 ang binawian ng buhay nitong Oktubre; 21 noong Setyembre; 23 noong Agosto; siyam noong Hulyo;  dalawa noong Hunyo; isa noong Mayo; dalawa noong Abril at isa noong Marso.

Ang mga namatay ay mula sa NCR (39); Region 4A (17); Region 6 (10); Region 10 (5); Region 3 (4); Region 1 (2); Region 7 (2); Region 8 (1); at CARAGA (1 ).

Mayroon namang panibagong 87 duplicates na inalis mula sa listahan ng total case count.

Sa naturang bilang, 35 ang recovered cases.

Mayroon 41 kaso na unang iniulat na nakarekober ngunit sa pinal na balidasyon ay natuklasang binawian pala ng buhay.

Inaasahan naman ng DOH na madaragdagan pa ang naturang bilang dahil 15 laboratoryo pa ang hindi pa nakapagsusumite ng kanilang datos sa COVID-19 Data Repository System (CDRS) hanggang nitong Oktubre 10, 2020. ANA ROSARIO HERNANDEZ

Comments are closed.