BINATI ni PNP Chief General Rodolfo Azurin Jr. ang PNP Highway Patrol Group (HPG) sa kanilang mahusay na pagpapatupad ng anti-carnapping at law enforcement operations sa nakalipas na apat na buwan.
Ayon sa PNP Chief, sa loob ng nabanggit na panahon ay umabot sa 16,861 sasakyan, kabilang ang mahigit 13,000 mororsiklo, ang na-impound ng HPG dahil sa paglabag sa RA 4136 o ang Land Transportation and Traffic Code, at iba pang violation.
Sa ulat ni HPG Director Brig. General Clifford B Gairanod, kabilang sa mga nahuli ay ang mga drayber na gumagamit ng hindi awtorisadong HPG stickers, ilegal na busina at blinkers sa sasakyan; at motorcycle riders na gumagamit ng illegally-modified mufflers.
Sa kampanya kontra carnapping naman ay 222 suspek ang naaresto at 209 na sasakyan ang narekober ng HPG.
Muli naman nanawagan si Azurin sa mga motorista na maging masunurin sa batas trapiko upang maiwasan ang aksidente lalo ngayong panahon ng Kapaskuhan. EUNICE CELARIO