RECORD-HIGH na 18,332 ang bagong kaso ng COVID-19 sa loob ng isang araw ang naitala ng Department of Health (DOH) kahapon.
Batay sa case bulletin no. 527 ng DOH, umaabot na ngayon sa 1,857,646 ang total COVID-19 cases sa bansa.
Sa naturang bilang, 7.0% o 130,350 pa ang aktibong kaso, kasama rito ang 94.8% na mild cases, 2.5% na asymptomatic, 1.2% na severe, 0.92% na moderate at 0.6% na critical.
Nakapagtala rin naman ang DOH ng 13,794 pang gumaling sa karamdaman.
Sa kabuuan, umaabot na sa 1,695,335 ang total COVID-19 recoveries sa Pilipinas o 91.3% ng total cases.
Mayroon ding 151 pang pasyente ang sinawimpalad na bawian ng buhay dahil sa karamdaman.
Sa ngayon, 31,961 na ang total COVID-19 deaths sa bansa o 1.72% ng total cases.
Samantala, mayroong 321 duplicates ang inalis ng DOH mula sa total case count, kabilang dito ang 316 recoveries.
Mayroon namang 68 kaso ang unang tinukoy na gumaling na mula sa karamdaman ngunit malaunan ay natuklasang binawian na pala ng buhay sa pinal na balidasyon.
“Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong August 21, 2021 habang mayroong 3 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS),” ayon sa DOH.
Samantala, pumalo na sa 1,273 ang kabuuang kaso ng Delta variant ng COVID-19 na naitala sa bansa.
Batay sa pinakahuling sequencing ng Philippine Genome Center (PGC) araw ng Lunes,bnakapagtala pa sila ng may 466 na bagong kaso ng Delta variant.
Nabatid na sa naturang bilang, 442 ang local cases, 14 ang Returning Overseas Filipinos (ROF) habang bineberipika naman ang 10.
Sa 442 local cases na ito, 201 ang mula sa National Capital Region, 69 sa Central Luzon, 7 sa Cagayan Valley, 49 sa CALABARZON, 14 sa MIMAROPA, 4 sa Bicol Region, 52 sa Western Visayas, 19 sa Central Visayas, 6 sa Northern Mindanao, 11 sa Davao Region, 7 sa SOCCSKSARGEN, at 3 sa Ilocos Region.
Gayunman, ayon sa DOH, ang 457 sa mga ito ay nakarekober na, 1 nalang ang aktibong kaso habang may 8 na nasawi.
Sa kabuuan, umabot na sa 1,273 ang kabuuang kaso ng Delta variant sa bansa. Ana Rosario Hernandez
849742 930903Thanks for some other fantastic post. Exactly where else could just anyone get that type of info in such an perfect indicates of writing? Ive a presentation next week, and Im at the search for such information. 954840
536432 515629Thanks for the data provided! I was obtaining for this data for a long time, but I wasnt able to discover a reliable source. 921718