18,638 BAGONG KASO NG COVID-19

NAITALA  ang 18,638 na bagong kaso ng coronavirus disease o COVID-19 sa Pilipinas.

Sa huling datos ng Department of Health (DOH) araw ng Biyernes, Enero 28, pumalo na sa 3,511,491 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.

Sa nasabing bilang, 231,658 o 6.6 porsiyento ang aktibong kaso.

Iniulat na 68 ang nasawi kaya umakyat na sa 53,801 o 1.53 porsiyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.

Ayon pa sa DOH, 13,106 ang gumaling pa sa COVID-19 kaya pumalo na sa 3,226,032 o 91.9 porsiyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.