UMAABOT pa sa 18,937 bagong kaso ng COVID-19 ang naitala ng Department of Health (DOH) sa Pilipinas araw ng Lunes.
Base sa case bulletin no. 555 ng DOH, nabatid na dahil sa mga bagong kaso ng sakit ay umakyat na sa 2,385,616 ang naitatalang total COVID-19 cases sa bansa hanggang nitong Setyembre 20, 2021.
Sa naturang kabuuang kaso naman, 7.4% o 176,850 pa ang aktibong kaso o nagpapagaling pa mula sa karamdaman at maaari pang makahawa.
Kabilang sa mga naturang active cases, ang 92.7% na mild cases, 2.7% na asymptomatic, 2.61% na moderate, 1.4% na severe at 0.6% na critical.
Mayroon namang 20,171 bagong pasyente ang gumaling na sa karamdaman, sanhi upang umabot na sa 2,171,832 ang total COVID-19 recoveries sa bansa, o 91.0% ng total cases.
Samantala, mayroon pang 146 pasyente ang sinawimpalad na bawian ng buhay dahil sa karamdaman.
Sa ngayon, umaabot na sa 36,934 ang COVID-19 death toll sa bansa o 1.55% ng total cases.
Samantala, wala pang inilalabas na rekomendasyon ang Department of Health (DOH) para mabakunahan na laban sa COVID-19 ang mga menor de edad na kabilang sa 12-17 years age group.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, tagapagsalita ng DOH, pinag-aaralan pa ng mga eksperto ang posibilidad ng pagbabakuna sa mga menor de edad, partikular na ang may kaugnayan sa kaligtasan at equity nito.
“Sa ngayon ay hindi pa natin nabibigyan ng rekomendasyon itong pagbabakuna sa mga kabataan natin, patuloy pa rin hong pinag-aaralan ng ating mga eksperto itong pagbabakuna sa mga bata,” ani Vergeire, sa isang panayam. “Unang-una, tinitignan po nila yung safety side at pangalawa tinitignan nila yung equity side.”
Ipinaliwanag pa ni Vergeire na bagamat dinadapuan rin ng sakit ang mga kabataan, ang panganib na magkaroon ng malalang impeksiyon na maaaring mauwi sa kamatayan ay mas madalas pa ring mangyari sa mga matatanda, kaya’t sila pa rin aniya ang pinagtutuunan ng pansin sa ngayon.
“Ngayon na unstable pa rin ang supply natin [ng bakuna], gusto natin na pagtuunan muna ng pansin ‘yung mga mas nakatatanda na may vulnerability to severity and dying,” aniya pa. Ana Rosario Hernandez
255087 755327Im not positive exactly why but this web website is loading extremely slow for me. Is anyone else having this issue or is it a dilemma on my end? Ill check back later and see if the difficulty nonetheless exists. 870794
849264 984096Discovered this on MSN and Im happy I did. Properly written write-up. 12865
Thanks , I have recently been looking for information about this subject for ages and yours is the best I have discovered so far. But, what about the bottom line? Are you sure about the source?
It is really a great and useful piece of information. I am glad that you shared this helpful information with us. Please keep us up to date like this. Thanks for sharing.
Hi there, You’ve done an incredible job. I will definitely digg it and in my opinion recommend to my friends. I’m sure they will be benefited from this website.