SUMASAILLIM sa home quarantine ang 19 Immigration Officers (IO) ng Bureau of Immigration (BI), ayon sa naging pahayag ni Bureau of Immigration Commissioner Jaime Morente kahapon.
Ang nasabing bilang ng immigration officers ang umakyat sa mga cruise ship na dumaong sa Pier South kung saan nakasakay ang mga pasaherong Chinese galing sa Special Administrative Region.
Ayon kay Morente ang 19 IO na ito, ang pangunahing umakyat katuwang ang mga taga-Bureau of Quarantine (BOQ) sa limang barko na bumisita sa China, Macau, at Hong Kong at dumating sa bansa noong nakaraang lingo .
Dagdag pa nito, aniya ito ay precautionary measure para maiwasang kumalat ang 2019 novel coronavirus acute respiratory disease sa Filipinas.
Tiniyak naman ni Morente na walang dapat ikabahala dahil iyon ay preventive measures lamang. FROI MORALLOS/PAUL ROLDAN
Comments are closed.