PASAY CITY – MAY panibagong batch ng pinauwing overseas Filipino workers (OFWs) mula Kuwait.
Sa ulat, may bilang ang mga ito na 19 at pawang mga undocumented na matagal na tumigil sa kanlungan na inaayudahan ng gobyerno ng Pilipinas.
Sinasabing tatlumpung OFWs ang orihinal na dapat uuwi subalit 19 ang pinayagan ng Kuwaiti government dahil kulang pa ang papeles ng 11.
Samantala, tiniyak ng DFA na ang 19 repatriated OFWs ay makatatanggap ng P5,000 bilang financial assistance mula sa pamahalaan at may libreng ticket para sa mga taga probinsiya na kanilang magagamit sa transportasyon. FROILAN MORALLOS
Comments are closed.