192 PAMILYANG NAVOTEÑO MAY BAGONG BAHAY

pabahay

Binigyan ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas ng ligtas na tahanan ang 192 pamilyang Navoteño na dating nakatira sa danger areas.

Pinangunahan nina Mayor John Rey Tiang­co at Cong. Toby Tiang­co, kasama sina Engr. Juancho Corpuz ng National Housing Authority, Brgy. Chairperson Rochelle Vicencio at ibang opisyal ng lungsod, ang pagbabasbas at pagpapasinaya sa NavotaAs Homes Tanza II at Brgy. Tanza 2.

Samantala, hinika­yat ni Cong. Tiangco ang mga residente na sundin ang mga alituntuning inilatag ng pamahalaang lungsod para mapanatiling maayos at payapa ang kanilang bagong komunidad.

Bago makakuha ng housing unit, kailangan pumasa sa drug test ang lahat ng mga miyembro ng aplikanteng pamilya at hindi dapat magsusugal o iinom ng alak sa loob ng kanilang yunit o sa pabahay.

May limang in-city housing projects ang Navotas na nakalaan sa mga pamilyang nani­nirahan sa tabing-dagat o ilog.

Ang NavotaAs Homes Tanza II ay may walong 3-storey buildings na maaaring tirhan ng 408 mga pamilya.   VICK TANES

Comments are closed.