NAKAPAGTALA ang Department of Health (DOH) ng 19,630 na bagong gumaling mula sa COVID-19.
Ang 18,892 dito ay time-based recoveries habang 738 ang routine reports. Dahil dito nasa kabuuang 252,510 na ang mga gumaling.
Iniulat ng DOH na umabot na sa 304,226 ang kabuuang bilang ng mga kaso ng coronavirus disease 19 sa bansa matapos makapagtala pa ng 2,995 infection hanggang 4PM araw ng Linggo.
Karamihan ng mga bagong kaso ay mula pa rin sa National Capital Region (NCR) na umabot sa 956 new cases, sinundan ng Region 4A na may 667 at Region 3 na may 344.
Nakapagtala naman ang DOH ng 60 na bagong nasawi dahil sa virus na ngayon ay nasa 5,344 na ang kabuuan.
May 25 duplicates naman na tinanggal sa total case count. 16 dito ay recovered cases.
Samantala may 10 kaso na naunang inulat na gumaling pero lahat ito ay reclassified na namatay matapos ang final validation. ANA ROSARIO HERNANDEZ
Comments are closed.