NANGANGAILANGAN ng 1,000 empleyado ang ang kompanya ng bilyonaryong business tycoon na si John Gokongwei na nag-invest ng P9.6 bilyon para ipautang sa milyon-milyong Filipino.
Balak ni Gokongwei, may-ari ng pinakamalaking snack maker at budget airline sa bansa, at founder ng Skype Inc. na mag-invest ng P9.6 billion ($200 million) upang mapalaya na sa loan sharks ang mga Pinoy.
Noong isang taon pa ito naayos ng JG Summit Holdings Inc. and financial-technology startup Oriente ni Gokongwei, na naglalayong magpautang gamit ang digital platform sa mga Filipino na kadalasang napipilitang mangutang sa mga Bumbay o sa mga mapagsamantalang malaking magpatubo, dahil hindi sila kuwalipikadong mangutang sa bangko.
Ayon kay JG Summit President Lance Gokongwei, anak ni John, sa nasabing eskema ay makakawala na ang mga maliit na negosyante sa 5-6.
Ang plataporma ng Oriente, na inayos ng Chinese financial-technology startup LU.com, ay puwedeng ikumpara sa Singapore Telecommunications Ltd., Globe Telecom Inc., Ant Financial at PLDT Inc.
Kukuha sila ng 1,000 katao ngayong taon upang magsagawa ng beripikasyon, loan processing at koleksyon para sa target na kalahating milyong mangungutang bago matapos ang 2018.
Ayon kay Hamilton Angluben, general manager ng plataporma, mayroon lamang 41.5 million deposit accounts sa Filipinas.
Mas marami pa umano rito ang may mobile phones sa populasyong 110 million, at halos 50 million naman ang gumagamit ng Facebook.
Maeengganyo umano ang mga Filipino sa nasabing eskema dahil mahilig tayo sa teknolohiya at iilan lamang ang may credit card, ayon kay Geoffrey Prentice, co-founder ng Oriente at chief strategy officer.
Madalas din umanong walang bangko sa mga maliliit na bayan, kaya malaki ang saklaw ng mga sanglaan at microfinance providers, ayon sa tala ng Central Ban.
Tatawagin ang eskemang Cashalo, at ang mga gagamit nito ay sa online lamang maaaring mangutang.
Kung walang bank account ang user, makatatanggap siya ng pera gamit ang convenience stores, pawnshops, at bill payment centers sa loob ng 24 oras.
Puwedeng mangutang mula 5,000 pesos pataas, na babayaran sa loob ng 45 araw na may tubong 2.95% 4% processing fee.
Kumpara sa 20% buwanang tubo ng mga nagpa-5-6, malaking tulong umano ito sa mga kababayan natin. NENET L. VILLAFANIA
Comments are closed.