BATANGAS – PINASINAYAAN ng Department of Health (DOH)- CALABARZON at mga lokal na opisyal ang kauna-unahang GeneXpert Laboratory sa Region 4A sa Batangas Medical Center ng lalawigang ito.
“The regions first and foremost regional hospital to provide immediate and reliable laboratory information for the treatment, prevention, control and management of COVID-19 and other diseases” ani DOH Calabarzon Regional Director Dr. Eduardo Janairo.
“Due to the current state of health emergency and the surge in the number of COVID-19 cases na patuloy na dumarami, kailangang gumawa ng paraan at agarang aksyon upang magkaroon ng augmentation sa kakulangan ng laboratory testing facility sa rehiyon,” ayon kay Janairo.
Sa pamamagitan ng Genexpert Lab na ito ay makakapagbigay tayo ng agarang resulta at mabisang paraan upang mapigilan ang mabilis na pagkalat ng anomang sakit,” dagdag pa ni Janairo sa kanyang pambungad na mensahe.
Samantala, ayon kay Media Relations and Communications Unit (MRCU) Glen Ramos, hindi aniya ito ginawa dahil sa panahon ng crisis kundi bilang paghahanda sa iba pang kalamidad kabilang ang isasagawang pagsasasailalim sa pagsasanay sa lahat ng health personnel sa lugar.
Nakapaloob sa naturang laboratoryo ang Cartridge-Based Technology (Xpert-Xpress SARS COV 2 Rapid PCR Assay) for the assessment and evaluation of specimens. DICK GARAY
Comments are closed.