NAGBUHOS si Stephen Curry ng 32 points at humabol ang Golden State Warriors upang pataubin ang Dallas Mavericks, 126-117, at makontrol ang kanilang NBA Western Conference finals series nitong Biyernes.
Binura ng Warriors ang 19-point first-half deficit para sa panalo na nagbigay sa six-time NBA champions ng 2-0 kalamangan sa best-of-seven series.
Maaaring si Curry ang nanguna para sa scoring ng Warriors ngunit ang remarkable turnaround ay dahil sa team performance.
Anim na Golden State players ang tumapos sa double figures, kung saan pawang gumawa sina Jordan Poole, Kevon Looney at Andrew Wiggins ng crucial plays.
Kumana si Looney ng career-high 21 points at 12 rebounds.
Samantala, kumamada si Luka Doncic ng isa pang high-scoring masterclass para sa Dallas na may 42 points, 5 rebounds at 8 assists, habang nagdagdag si Jalen Brunson ng 31 points.
Subalit ang gabi at tagumpay ay para sa Warriors, na nalamangan ng Dallas sa mainit na first half.
Nagpasabog ang Mavericks ng 72 points sa unang dalawang quarters na nagbigay sa kanila ng 14 points lead, 72-58, sa break.
Pinangunahan ni Doncic ang mainit na opensa na may 24 first-half points, kung saan nagsalpak ang Brunson ng apat na three-pointers para sa 20-point haul.
Na-outscore ng Warriors ang Dallas, 43-32, sa final quarter para makumpleto ang kapana-panabik na panalo kung saan tutungo ang series sa Texas para sa Game 3 sa Linggo.