2-1 SA CELTICS; SUNS NAKAISA

Celtics vs Heat

NAGBUHOS si Jayson Tatum ng 27 points upang pangunahan ang anim na Boston players sa double figures nang
dispatsahin ng Celtics ang Philadelphia 76ers, 114-102, upang kunin ang 2-1 kalamangan sa kanilang NBA Eastern Conference semifinal series.

Nagdagdag si Jaylen Brown ng 23 points at umiskor si Al Horford ng 17 para sa Celtics, na nabawi ang home court
advantage sa ikalawang sunod na panalo makaraang matalo sa Game 1 sa Boston.

Napanatili nila ang momentum papasok sa emotional night sa Philadelphia, kung saan tinanggap ni Sixers center Joel Embiid ang kanyang Most Valuable Player trophy mula kay NBA commissioner Adam Silver sa isang pregame ceremony.

Kumubra si Embiid ng 30 points, 13 rebounds at 4 blocked shots sa kanyang ikalawang laro mula sa sprained knee.

Subalit nahirapan sina teammates James Harden at Tyrese Maxey. Kumonekta si Harden sa tatlo sa 14 shots tungo sa 16 points habang nagambag si Maxey ng 13 points sa 4-for-16 shooting.

SUNS 121, NUGGETS 114
Nagbuhos si Devin Booker ng 47 points at nagdagdag si Kevin Durant ng 39 at balik sa porma ang Phoenix Suns
sa kanilang NBA Western Conference semi-final series sa panalo kontra Denver Nuggets.

Naging matatag sa home ang Suns, natalo sa unang dalawang laro sa best-of-seven series sa Denver, sa kabila ng injury absence ni veteran point guard Chris Paul.

Angat ang Phoenix ng 15 sa halftime, ngunit hindi sumuko ang Nuggets — pinangunahan ng triple-double na 30 points, 17 rebounds at 17 assists mula kay two-time NBA. Most Valuable Player Nikola Jokic.

Tatlong beses na umabante ang Nuggets sa third quarter, subalit laging may sagot ang Suns. “It’s that time of year,” wika ni Booker, na nagdagdag ng 6 rebounds, 9 assists,3 steals at 1 blockedshot. “We dropped a couple of games on their home floor and we just want to protect ours.”

Naitala ng Phoenix ang unang siyam na puntos ng fourth quarter at hindi kailanman naghabol sa final period para lumapit sa 2-1 sa best-ofseven series.

Nanguna si Jamal Murray sa scoring ng Denver na may 32 points at nagdagdag si Michael Porter Jr. ng 21 at 12 rebounds, subalit hindi napigilan ng Nuggets sina Booker at Durant at may pagkakataon ang Suns na maipatas ang serye sa pag-host sa Game 4 sa Linggo.