2-1 SA MERALCO

Mga laro sa Miyerkoles:

(Araneta Coliseum)

6 p.m. – Ginebta vs Meralco

(Game 4, best-of-7 finals)

NANALASA ang Meralco  sa huling sandali  upang dispatsahin ang Barangay Ginebra, 83-74, sa Game 3 at kunin ang 2-1 lead sa best-of-7 PBA Governors’ Cup finals kagabi sa harap ng 16,104 crowd sa Mall of Asia Arena.

Abante  ng tatlong puntos lamang, may 5:21 ang nalalabi, nagsagawa ang Bolts ng late rally, na sinindihan nina Chris Newsome at import Tony Bishop upang masungkit ang panalo.

Nanguna si Bishop na may 30 points at 16 rebounds para sa Meralco habang nakalikom si Newsome ng 20 points, 11 rebounds, at 6 assists, at nagdagdag si Allein Maliksi ng 10 points.

Tangan ng Ginebra ang 48-40 kalamangan sa pagtatapos ng first half, hanggang malimitahan ng Bolts sa 13 points lamang sa third quarter at kinuha ang 62-61 bentahe sa pagtatapos ng third period.

Naghabol ang Meralco ng hanggang 13 points, 43-30, malapit sa halfway mark ng second quarter.

Nakatakda ang Game 4 sa Miyerkoles sa Araneta Coliseum kung saan tatangkain ng Bolts na makalapit sa korona. CLYDE MARIANO

Iskor:

Meralco (83) – Bishop 30, Newsome 20, Maliksi 10, Black 8, Almazan 6, Quinto 3, Banchero 2, Hugnatan 2, Baclao 2, Hodge 0.

Barangay Ginebra (74) – Brownlee 19, Standhardinger 17, Tenorio 11, Thompson 11, Chan 9, Pinto 5, Devance 2, Tolentino 0, Mariano 0.

QS: 27-22, 40-48, 62-61, 83-74.