UNANG bibigyan ng cash aid ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang may 2.2 milyong maralita na naka-enrol sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ng pamahalaan.
Sa isinagawang Laging Handa briefing, sinabi ni Social Welfare and Development Secretary Rolando na natanggap na ng ahensiya ang P100 milyon na bahagi ng P200 billion social amelioration program program na pang-ayuda sa 18 milyong pamilya sa kinakaharap na public health problem bunsod ng tumataas na kaso ng coronavirus djsease (COVID-19).
“Uunahin natin ang 2.2 millionpoorest na naka-enroll sa 4Ps, “ayon sa kalihim.
Nilinaw din ni Baustista na updated ang kanilang hawak na listahan ng 4Ps dahil buwan-buwan ay nakatatanggap ang mga ito.
Sinabi pa ng kalihim, ide-deposit na nila ang tulong at makukuha ito ng mga benepisyaryo mula sa kanilang cash card.
Kaugnay naman sa mga informal worker, makikipag-coordinate ang DSWD sa Land Transportation, Franchising and Regulatory Board (LTFRB) para sa listahan ng mga driver na kabilang sa mga makatatanggap ng cash aid. EUNICE C.
Comments are closed.