($2.853-B noong Hulyo) PADALANG PERA NG OFWS BUMUHOS

BSP

PUMALO ang cash remittances sa seven-month high noong Hulyo, ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Sa datos na ipinalabas ng BSP, ang cash remittances — ang perang padala sa pamamagitan ng mga bangko  — ay nasa $2.853 billion noong Hulyo, ang pinakamataas sa kasalukuyan ngayong taon.

Mas mataas ito ng 2.5% kumpara sa $2.783 billion sa kaparehong buwan noong nakaraang taon, at sa $2.683 billion noong Hunyo.

Lumobo ang remittances mula sa land-based workers ng 1.6% sa $2.308 billion at mula sa sea-based workers ng 6.9% sa $545 million para sa naturang buwan. Dahil dito, ang year-to-date remittances ay tumaas ng 5.8% sa $17.771 billion laban sa $16.802 billion noong nakaraang taon.

Ayon sa BSP, ang pagtaas ng cash remittances sa unang pitong buwan ng taon ay dahil sa malaking inflows mula sa United States, Malaysia, at South Korea.

Ang US ang may pinakamalaking share sa 40.4%, kasunod ang Singapore, Saudi Arabia, Japan, United Kingdom, United Arab Emirates, Canada, South Korea, Qatar, at Taiwan.

Ang combined inflows mula sa top 10 countries ay bumubuo sa 78.6% ng total cash remittances para sa unang pitong buwan ng taon.

Samantala, tumaas din ang personal remittances — ang kabuuan ng padalang cash o in-kind via informal channels — ng 2.6% sa $3.167 billion, na naghatid sa year-to-date figure sa $19.783 billion.

220 thoughts on “($2.853-B noong Hulyo) PADALANG PERA NG OFWS BUMUHOS”

  1. Comprehensive side effect and adverse reaction information. Everything information about medication.
    ivermectin tablets uk
    Top 100 Searched Drugs. Learn about the side effects, dosages, and interactions.

  2. Cautions. Some are medicines that help people when doctors prescribe.
    website
    Medscape Drugs & Diseases. What side effects can this medication cause?

  3. Top 100 Searched Drugs. Some are medicines that help people when doctors prescribe.
    https://tadalafil1st.online/# tadalafil in india online
    earch our drug database. Learn about the side effects, dosages, and interactions.

Comments are closed.