2 ABU SAYYAF MEMBERS TIMBOG

Arestado

NADAKIP ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang dalawang miyembro ng umano’y terrorist group na Abu Sayyaf (ASG) sa Zamboanga City.

Kasalukuyang nakapiit at dumadaan sa proseso ang mga suspek na sina Abdulla Addi na gumagamit ng alyas na Tuma, Amdak Junah, at Aluyudan Guru Ismael na may alyas naman na Abu Tarik, at Dodong Dongon.

Ayon sa NBI Counter-Terrorism Division, Hulyo 2019 nang makatanggap ang ahensya ng impormasyon kaugnay sa Sulu-based ASG member na namataan sa Zamboanga City.

Nakilala siya ng isang biktima at testigo sa nangyaring kidnapping sa Patikul,Sulu noong Agosto 20, 2002 bilang si “Tuma” kung saan dalawang lala­king biktima ang pinugutan ng ulo ng ASG  habang hiningan naman ng ransom ang apat pang babaeng biktima.

Nagsilbing peri­meter guards ng mga hostage si Tuma at kinasuhan kasama si Galib Andang alyas Commander Robot at may standing warrant of arrest sa kasong kidnapping and serious illegal detention of person sa Pasig City RTC Branch 266.

Bumuo naman ng composite team ang NBI-TCD, AFP-Phi­lippine Navy, PNP-SAF at Zamboanga City Police at inaresto si Tuma.

Sa pagkakaaresto kay Tuma, isa pang miyembro ng ASG member ang naaresto sa katauhan ni Guru na mayroon ding standing warrant sa kahalintulad na krimen. PAUL ROLDAN