2 AHENTENG SUNDALO TODAS SA PANANAMBANG

LANAO DEL NORTE- PATAY ang dalawang hindi unipormadong Army intelligence agents nang pagbabarilin ng mga hindi nakilalang salarin sa isang liblib na lugar sa Barangay Lininding, Munai sa lalawigang ito kamakalawa ng hapon.

Ayon sa pahayag ng Lanao del Norte Provincial Police Office ng Minai Municipal Police Station at mga opisyal 51st infantry Battalion na ang dalawang napaslang ng mga operatiba ay kanilang tauhan.

Pansamantalang hindi muna binanggit ang pagkakakilanlan sa dalawang sundalong napatay habang hindi pa naipapaa­lam sa kanilang mga pamilya ang sinapit sanhi ng pananambang ng mga hindi nakikilalang mga armadong kalalakihan.

Ayon sa report kasalukuyan lulan ng isang motorsiklo ang dalawang intelligence agent ng 51st IB, pagdating sa isang ilang na lugar ay bigla na lamang pinagbabaril ng mga hindi nakilalang armadong kalalakihan ang mga biktima na noon ay nakapuwesto na sa lugar na daraanan ng dalawang ahente.

Agad na binawian ng buhay ang mga biktima sanhi ng mga tinamong tama ng bala mula sa matataas na kalibre ng baril. EVELYN GARCIA