2 AKTIBISTA NAMARIL SA PATROL CAR BULAGTA

ALBAY- DALAWANG aktibista ang nasawi nang mabaril ng mga nagpapatrulyang pulis sa Banao bridge sa bayan ng Guinobatan, noong Lunes ng madaling araw, ilang oras bago ang huling SONA ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon sa Police Provincial Office ng Albay, nabaril ang dalawa dahil bigla umanong pinaputukan ng mga ito ang rumu-rondang patrol car.

Naaktuhan silang nagba-vandalize gamit ang spray paint sa kahabaan ng Banao bridge sa nasabing bayan.

Isinugod sa ospital ang mga biktima pero tuluyan na silang binawian ng buhay.

“DUTERTE IBAGS” ang naisulat na mga kataga ng mga ito. Ayon sa pulis, posibleng “DUTERTE IBAGSAK” ang mensaheng nais nilang maiparating.

“Hindi pa nakakababa ‘yung mga pulis sa patrol car, pinaputukan na nitong dalawa. Kasi nga sisitahin pa lang sana sila,” ayon kay Police Maj. Joseph Jarabejo, hepe ng Guinobatan Municipal Police Station.

“‘Yung vandalism nila, siguro in line with the (SONA) ni President Duterte,” dagdag pa ni Jarabejo.

Anila, narekober sa pinangyarihan ng krimen ang kalibre 45 na baril, 38 rebolber, mga basyo ng bala at ang gamit na motorsiklo ng mga biktima.

Kinumpirma ni Bayan Bicol spokesperson Vince Casilihan na parehong magsasaka at miyembro ng progresibong grupo sa Albay ang dalawang namatay na kinilalang sina Marlon Napire, 40, ng Barangay Bololo, Guinobatan at Jaymar Flor Paler, 22, ng Barangay Catomag, Guinobatan. VERLIN RUIZ

43 thoughts on “2 AKTIBISTA NAMARIL SA PATROL CAR BULAGTA”

  1. Thanks for the auspicious writeup. It in fact was once a enjoyment account it.
    Look complicated to far added agreeable from you! However,
    how could we communicate?

  2. 396228 757679Your talent is really appreciated!! Thank you. You saved me a lot of frustration. I switched from Joomla to Drupal towards the WordPress platform and Ive fully embraced WordPress. Its so considerably easier and easier to tweak. Anyway, thanks once more. Awesome domain! 544996

Comments are closed.