2 BAGETS TIKLO SA MARIJUANA

MARIJUANA

QUEZON CITY – ARES­TADO ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) sa ilalim ni Director, Chief Supt. Joselito Esquivel Jr. ang dalawang menor na lalaki dahil sa pag-iingat ng bulto ng marijuana sa Novaliches.

Sinabi ni Esquivel  na nasa edad na 17 at 20 ang kanilang inaresto kung saan ang huli ay nadakip alas-3:45 ng madaling araw kahapon sa harapan ng isang  convenience store sa Pagkabuhay, kahabaan ng Quirino Highway, Brgy. Bagbag.

Ayon sa ulat, ang naturang 17-anyos na lalaki ay dati na ring ina­resto sa parehong kaso noong July 2017 ng  District Drug Enforcement Unit (DDEU) matapos makuhanan ng  limang kilo ng marijuana.

Dahil sa menor ang mga suspek, dinala sa  Quezon City Social Services Development Department (SSDD) para sa tamang  programa at pinalabas noong Abril 2018.

Sumailalim ang dala­wa sa closed monitoring ng nga tauhan ng  Novaliches Police Station (PS 4) sa pakiki­pagtulungan na rin ng iba pang barangay officials at natuklasang bumalik nga ito sa dating gawain.

Nakuha mula sa 17-anyos na binatilyo ang mga pinatuyong dahon ng marijuana leaves na may bigat na 1,020 gramo at street value na P116,000, at P24,000 naman bilang boodle mo­ney.    PAULA ANTOLIN

Comments are closed.