2 BAGYO POSIBLENG PUMASOK SA PH SA SUSUNOD NA LINGGO

POSIBLENG dalawang bagyo pa ang mabuo at pumasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) sa susunod na linggo.

Ayon ito sa PAGASA, matapos ang pananalasa ng bagyong Enteng na kumitil sa 15 katao sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Batay sa PAGASA, pangangalanang “Ferdie” at “Gener” ang mga weather disturbances sakaling mabuo ang mga ito.

Inaasahang mabubuo sa silangang bahagi ng Luzon sa Linggo o Lunes ang unang low pressure area (LPA).

Habang ang pangalawang LPA naman ay maaaring mabuo sa Lunes sa may bahagi ng Guam.

Sinabi ng state weather bureau na parehong hindi magla-landfall ang mga mabubuong bagyo ngunit palalakasin nito ang Habagat na magdudulot ng pag-ulan sa ilang bahagi ng bansa.

Nilinaw rin ng PAGASA na posible pang magbago ang galaw ng nasabing mga weather disturbance.

DWIZ 882