2 BAGYO TATAMA SA NOBYEMBRE

PAGASA

HANGGANG  dalawang bagyo ang inaasahang tatama sa bansa ngayong Nob­yembre.

Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa), ang mga nabubuong bagyo sa panahong ito ay kalimitang nakakaapekto sa gitna at katimugang bahagi ng Filipinas.

Inaasahan ding mas malalakas ang mga bagyong nabubuo sa panahong ito na posibleng manggaling sa Pasipiko o kaya ay sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Samantala, ipinabatid ng Pagasa na patuloy pa ring magdadala ng maulap na kalangitan at kalat-kalat na pag-ulan sa bahagi ng Batanes at Babuyan Group of Islands ang tropical storm Yutu o bagyong Rosita na kumikilos na patungong Southern China. DWIZ882

Comments are closed.