BASILAN – NASABAT ng Philippine Coast Guard ang dalawang barko na balak magpuslit ng bigas sa isang isla sa lalawigang ito.
Aabot sa 22,000 sako ng bigas ang karga ng mga barko sa karagatang sakop ng Tamuk Island.
Nagsasagawa ng Maritime Patrol ang mga tauhan ng Coast Guard sa M/L Overseas at M/L Nadeepa nang matuklasan ang sako-sakong mga smuggled na bigas.
Nang hingan ng papel ay walang naipakitang karampatang dokumento ang mga crew ng dalawang barko.
Agad pinigil ng Coast Guard ang dalawang barko at inasistihan patungo sa Zamboanga City Port. EUNICE C.
Comments are closed.