PASAY CITY – DALAWANG batches ng Filipino workers mula Beirut sa Lebanon at Kuwait ang nakauwi sa bansa noong Sabado ng umaga.
Sa record ng Manila International Airport Authority, ang unang batch ng overseas Filipino workers (OFWs) mula sa Beirut na may bilang na 32 ay nakauwi na alas-10:10 ng umaga kahapon at lumapag ang kanilang sinakyang eroplano sa Ninoy Aquino International Airport Terminal.
Ang ikalawang batch ng 47 OFWs, ay dumating alas- 4:10 ng hapon sa NAIA Terminal 1.
Ang mga OFW ay sumakay sa Qatar Airways mula sa Kuwait.
Sinalubong ng ilang opisyal mula sa Department of Foreign Affairs at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang mga OFW na nagsiuwi at nakatanggap ang mga ito ng P5,000 in cash assistance.
Ang pag-uwi ng mga OFW ay bunsod ng Balik Pilipinas Balik Hanapbuhay na livelihood program ng OWWA. EUNICE C
Comments are closed.