VALENZUELA CITY – KALABOSO ang 11 drug personalities kabilang ang dalawang babae sa magkahiwalay na buy bust operation ng mga pulis sa lungsod na ito.
Sa tinanggap na ulat ni Valenzuela Police Chief P/Col. Carlito Gaces, ala-1:45 ng Sabado ng madaling araw nang ikasa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit sa pangunguna ni P/Capt. Segundino Bulan Jr. at PEMS Noel Bernedo sa koordinasyon sa PDEA ang buy bust operation sa 1351 Santol St., Bagbaguin na nagresulta sa pagkakaaresto kay Jimmy Dela Cruz, 40, at Sammy Erese, 29, matapos magbenta ng isang sachet ng shabu kay PSSG Luis Alojacin na umaktong buyer.
Ayon kay SDEU investigator PCpl Pamela Joy Catalla, narekober sa mga suspek ang isa pang sachet ng shabu, P200 buy bust money at P300 bill habang nadakip din sina Irma Ramirez, 38, Noel Ontic, 33, Michael Leyson, 29, at nakuha sa mga ito ang tig-isang sachet ng shabu.
Dakong alas-7:40 naman ng Biyernes ng gabi nang madamba rin ng mga operatiba sa buy-bust operation sa 33 Riverside, Brgy. Malanday sina Jose Jay Soriano Sr., 48; Rudel Lazarte alyas “Bulag”, 30; Jose Jay Jr., 20; at Mariecris Suarez, 34.
Nabatid kay SDEU investigator PCMS Restie Mables, narekober sa mga suspek ang P200 buy bust money, P100 bill, coin purse, siyam na sachet ng hinihinalang shabu, drug paraphernalia at isa pang sachet ng shabu. EVELYN GARCIA
Comments are closed.