2 BOMBA NATISOD SA KALSADA

SULTAN KUDARAT – UPANG hindi na makadisgrasya, pinasabog na lamang ng awtoridad ang nakitang bomba sa kalsada sa bayan ng Lambayong.

Ayon sa ulat ng Lambayong PNP na tumanggap sila ng tawag mula kay Barangay Kagawad Remelyn Dela Cruz Lanzarote sa iniwang dalawang Improvised Explosive Device sa Sitio Taga Barangay Tinumigues Lambayong Sultan Kudarat.

Isang residente ng Brgy. Tinumigues ang nakakita sa bomba na inilagay sa itim na bag at isinilid sa sako.

Agad na nagresponde ang mga sundalo at pulis kasama ang mga tauhan ng Explosive Ordnance Disposal Team ng Philippine Army.

Kusa na lamang pinasabog ng EODT ang dalawang Improvised Explosive Device (IED).