2 CHINESE NA NAGKULONG SA TAIWANESE INARESTO

2 ARRESTED

PARAÑAQUE CITY – NADAKIP sa operasyon ng Parañaque City police ang dalawang Chinese na umano’y ang ilegal na nagkulong sa isang Taiwanese na may utang sa kanila ka­makalawa ng gabi sa lungsod na ito.

Kinilala ni Pa­rañaque police chief Sr. Supt. Rogelio T. Rosales ang mga inares­tong Intsik na sina Guosheng Liu, 37, at Jianhu Xiong, 29,  kapwa nanunuluyan sa Room 502 Bayview Tower II,  Roxas Boulevard,  Brgy. Tambo.

Kasabay namang nailigtas sa naturang operasyon ang biktima na nakilalang si Chung Lin Yu-Fan, 22, isang Taiwanese national, nanunuluyan sa One Pacific Place,  Salcedo Village,  Makati City.

Ayon sa report na natanggap ni Rosales, nangyari ang insidente dakong alas-6:58 ng gabi sa isang hotel sa panulukan ng Roxas Boulevard at Aseana Avenue, Brgy. Tambo, Parañaque City.

Base sa imbestigasyon, nakatanggap ng impormasyon ang pulisya na ang biktima ay ikinulong sa kwarto na tinutuluyan ng mga suspek dahil nabaon ito sa utang sa pagsusugal sa casino.

Agad na nagkasa ng operasyon ang mga operatiba ng Parañaque City police kung saan naarersto ang mga sus-pek at na-rescue naman ang biktima.

Kasong serious illegal detention ang kinakaharap ng mga suspek na kasalukuyang nakakulong sa Para­ñaque police detention cell.      MARIVIC FERNANDEZ

Comments are closed.