MAGANDANG balita sa lahat ng residente ng Maynila na naghahanap ng trabaho.
Inanunsyo ni Manila Mayor Honey Lacuna na magsasagawa ang pamahalaang lungsod ng Maynila, sa pamamagitan ng public employment service office (PESO) sa pamumuno ni Fernan Bermejo, ng dalawang-araw na ‘Mega Job Fair’.
Ang nasabing job fair ay gagawin sa Robinson’s Manila, Level 1, Midtown Atrium na, nagsimula kahapon at magtatapos ngayong araw.
Libo-libong trabaho ang naghihintay sa mga interesado at ito ay gagawin mula alas-dose ng tanghali hanggang alas-6 ng gabi sa nasabi ring petsa.
Nabatid na isasagawa ng PESO ang job fair sa pakikipagtulungan ng Department of Labor and Employment – National Capital Region at ng DOLE-NCR Manila Field Office.
Pinayuhan ni Lacuna ang lahat ng interesado na magsuot ng casual attire, magdala ng sariling ballpens , 10 kopya ng resume at sumunod sa basic health protocols.
Ibinilin din ni Lacuna na sa mga applicants na iwasan ang magpunta sa job fair ng walang laman ang tiyan upang matiyak na masasagot nila ng tama ang interview.
Ang job fair ay bukas sa high school graduates, college level, college at tech/voc graduates.
Nagkataon na may panawagan din si Secretary of the Interior and local Government Atty. Benhur Abalos sa mga LGUs na: Public Employment Service Offices (PESOs) must be institutionalized and established in every local government unit nationwide to sustain the Marcos administration gains in the economy that grew by 5.6 % in the last quarter of 2023.
Susog naman ni Labor secretary Beeny laguesma, : “Let us continue to work hand in hand as partners in progress serving and striving towards our common goal of achieving 100 percent fully institutionalized PESOs nationwide.” VERLIN RUIZ