DALAWANG dayuhan na walang kaukulang dokumento sa pananatili sa bansa ang inaresto sa magkakahiwalay na operasyon ng mga ito sa Manila at Cebu City.
Kinilala ang mga suspek na sina Barry Lee Jordan, 48-anyos, isang American national, at Harwinder Singh, 33-anyos, Indian national.
Si Jordan ay nahuli nooong April 28, sa kanyang tinitirahan bahay sa Bgy. Upper Buenavista Carcar City sa Cebu, at si Singh ay naharang habang pasakay sa kanyang New Delhi flight papuntang India noong April 25 dahil sa nakitaan ng double authenticity ng kanyang Philippine entry visa.
Sinabi ni BI intelligence chief Fortunato Manahan Jr na. si Jordan ay mahigit sa pitong taon ilegal na naninirahan sa bansa mag mula pa noong December 27, 2015, ng hindi naisipan mag renew ng kanyang tourist visa.
Inakusahan ito na nang-harras sa isang bar tender gamit ang patalim, kung kaya kinokonsidera na banta ito sa kumonidad.
Ang dalawango ay pansamantala nakakulong sa BI Detention Center sa Taguig City, habang on going ang deportation proceeding ng BI Board of Commissioners laban sa mga ito. FROILAN
MORALLOS